Renta (Part 1)

Ang kuwentong ito ay unang nailathala sa tikimsatakipsilim.blogspot.com

Itago nyo na lang ako sa pangalang “Boyet”, tubong Bicol at kasalukuyang nag-aaral sa isang tanyag na unibersidad dito sa Maynila, 2nd year sa kursong Mechanical Engineering. Ang kwentong aking ilalathala ay hango sa aking tunay na karanasan. More hot Pinoy stories at pinoyeroticstories.wordpress.com

Matapos kong mag-graduate ng High School napagpasyahan ng aking mga magulang na ipadala ako sa Maynila upang doon mag-kolehiyo. Sa aking mga kamag-anak sa mother’s side sa Mandaluyong ako makikitira.  Si Tito Roy ay bunsong kapatid ni mama at doon ako titira sa kanilang compound kasama ng kanyang 3 anak na si Rica 8 na taong gulang, si Robert 6 na taon at si Roy Jr., 1 taon at si Aling Rosa, ang kanilang yaya na parang parte na rin ng pamilya dahil sa tagal niyang naninilbihan doon. Ang asawa niyang si Tita Agnes ay nagtratrabaho sa Dubai, kaya bukod sa pagiging tatay ay siya na rin ang tumatayong nanay ng mga bata.

“Kumusta na ang aking pamangking guwapo?” ang bati sa akin ni Tito Roy nung ako’y sinundo sa terminal ng bus sa Cubao.

“Mabuti naman po. Medyo pagod pero OK lang.” sagot ko.

“Grabe ang bilis nga naman ng panahon, ano? Parang kailan lang at kalaro ko pa kayong magkakapatid ng baril-barilan ngayon nasa kolehiyo ka na.” tuwang-tuwang sinabi ni Tito Roy.

Sumakay kami sa kanyang owner type na jeep at bumiyahe pauwi sa kanila. Makaraan ang isang oras ay nakarating na kami sa kanilang bahay. May kalakihan ang compound nila Tito Roy at ang ibang mga kuwarto ay kanilang pinapaupahan. Tatlong palapag ang laki ng kanilang bahay at sa pangalawa at pangatlong palapag sila nakatira ng kanyang pamilya, samantalang ang unang palapag ay mga tenants ang nakatira. Bukod sa malaking bahay ay may katabi pa itong pangalawang bahay na mas maliit na kagagawa lang na pinapaupahan rin.

Pagpasok ko sa kanilang sala ay agad akong sinalubong ng aking mga makukulit na mga pinsan, sila Rica at Robert, kasunod si Aling Rosa. “Kuya Boyet, kuya boyet andito ka na, asan na pasalubong ko?” wika ni Rica. “Hahaha ayos ka rin bumati, ano? Pasalubong agad hanap.” sagot ko sa kanya, at pagkatapos noon ay binigay ko ang aking dalang isang dosenang donuts na binili ko sa terminal na agad naman nilang pinag-agawang magkapatid. “Ang laki mo nang bata ka, at ang guwapo pa.” ang sabi ni Aling Rosa. “Hindi naman po, medyo lang naman hehehe.” pabiro kong sagot sa kanya.

“E kanino pa ba naman magmamana sa kagwapuhan at kakisigan yan kundi sa amin.” wika ni Tito Roy.

“Tama na po, nagblublush na po ang gilagid ko.” muli kong biro sa kanila, sabay tawanan ang dalawa.

Kinagabihan pagkatapos maghapunan ay tumungo ako sa terrace at naupo. Unti-unting napapawi ang aking pagod sa biyahe ng malamig na hangin, dahil siguro’y Nobyembre noon kaya masarap ang panahon. Napakaganda ring pagmasdan ang mga Christmas lights at ibang mga palamuting nakasabit sa iba’t-ibang kabahayan at nakakatuwang panoorin ang mga bata na naglalaro sa kalsada. Habang pinagmamasdan ko ang tanawin ay pumasok rin sa terrace si Tito Roy at may dala-dalang ice bucket, dalawang baso at bote ng J&B na Black Label.

“Boyet, siguro naman umiinom ka na rin, ano? Tara inom tayo konti, pampasarap ng tulog mamaya.” pag-aanyaya ni tito.

“Di po masyado, pag may okasyon lang.” sagot ko.

Totoo namang paminsan-minsan lang ako umiinom sa probinsya namin noon dahil puro pag-aaral ang inatupag ko. Kung may lakad ang barkada noon madalas akong hindi makasama, dahil na rin sa istrikto ang aking tatay. Kahit pinairal ng aking tatay ang kamay na bakal sa amin noon, malaki rin ang pasasalamat ko sa kanya dahil pinalaki niya kaming magkakapatid na may disiplina, may takot sa Diyos at higit sa lahat ay tinuro niya sa amin na unahin ang pag-aaral bago ang ibang mga bagay dahil ayaw niyang matulad kami sa kanya na hindi nakapagtapos. Tumagal ang kwentuhan namin ni Tito Roy. Mga alas onse y media na ng gabi nang may humintong tricycle sa harap ng gate nila, at doon ko siya unang nakita.

Bumaba ng tricycle ang isang babaeng artistahin ang kagandahan. Maputi ang kutis, kaakit-akit ang korte ng katawan at malalaki at malulusog ang kanyang dibdib na medyo umaalog habang dumudukot siya ng pambayad sa tricycle. Nakasuot ng body-hugging na blouse at skinny na jeans na lalong nagpalitaw sa kanyang alindog. “Hi Malou, ang sexy mo talaga.” bati ng isang tambay sa kanya. May dala-dala siyang groceries at nagpresenta ang tambay na tulungan siya, pero tumanggi ito. “Kaya ko na ito. Ako na bahala.” sagot niya. Mistulang nalaglag ang aking panga nung makita ko siya, at napansin ko rin na lahat ng mga kalalakihan sa paligid ay bigla na lang nahinto sa mga ginagawa nila at napatitig na lang sa kanya. Napansin ni Tito Roy na bigla akong huminto sa pagkukuwento sa kanya. “Hoy, ano’ng tinitingnan mo diyan ha?” tanong niya sa akin. “Siya ba?” tanong niya ulit habang tinuturo ang magandang Eba na may bitbit na pinamili na pumapasok sa gate ng bahay niya. “Maganda siya, ano? Trip mo ba? Hehehehe.” tanong niya na may halong kapilyuhan. “Malou ang pangalan niya, isa siya sa mga boarders ko dito. Panalo di ba?” dagdag niya.

“O-opo tito. Panalong-panalo nga.” ang aking sagot sa tanong ng aking tiyuhin habang nakatitig ako sa babaeng naglalakad papasok sa kanyang inuupahang silid. Doon ko rin napansin na hindi lang ang harapan niya ang maganda, pati na rin ang likuran dahil sa katambukan ng kanyang puwet at habang siya’y naglalakad ay may natural na kembot na kaakit-akit pagmasdan ang kanyang bawat hakbang.

“Estudyante yan sa umaga at kumukuha ng nursing, pero pag gabi nagtatrabaho yan sa isang class na night club dun sa may Malate, kaya linggo-linggo may bagong cell phone o di kaya’y mamahaling kagamitan dahil maraming papa.” pagtatapat ni Tito Roy sa akin. Sa sinabi ni Tito Roy na iyon ay nadismaya ako. Ang paghangang unang naramdaman ko sa kanya ay napalitan ng panghihinayang dahil malamang kung kani-kaninong lalaki siya pumapatol. “O siya, medyo naparami na rin ako ng inom at malalim na ang gabi. Matulog na tayo. Hayaan mo nang si Aling Rosa ang magligpit dito.” wika ni Tito.

Itutuloy…

2 Responses to “Renta (Part 1)”

  1. grabe ang ganda nman tingnan.. whew so beautiful.. totoo kaya yan?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: