Archive for May, 2013

Ang Walang Kabusugang Gutom (Part 1 of 3)

Posted in Kamag-anak, Orihinal na Kuwento, Pinendeho on May 26, 2013 by Pinoy Erotic Stories

Ang mga sumusunod na salaysay ay mula sa diary na diumano’y sinulat ng isang Col. Esguerra. Nakuha ito ng isang rescue team ng Philippine Army sa isang abandonadong gusali katabi ang bangkay ng isang lalaki. May tama ito ng bala sa ulo at hinihinalang nagbaril sa sarili. Inaalam pa kung ang mga labi ay sa taong nagsulat nito na si Col. Esguerra.
More hot Pinoy stories at pinoyeroticstories.wordpress.com
Biyernes, Sep. 8
More hot Pinoy stories at pinoyeroticstories.wordpress.com
Ako si Col. Alexander Esguerra ng 7th Scout Ranger Company. Kung may makahanap sa diary na ito, ibig sabihin ay baka wala na ako sa mundong ito. Naisipan kong magsulat ng isang diary upang idokumento ang lahat ng mga pinagdaanan ng aming grupo para makaligtas mula sa impyernong lugar na ito. Isa ring paraan ito upang mapanatili ko ang aking katinuan sa kabila ng mga paghihirap na aming pinagdadaanan.
More hot Pinoy stories at pinoyeroticstories.wordpress.com
Pinalad na nailigtas ng militar ang aking pangalawang anak, ngunit nasawi ang aking bunso. Lima kami ngayon sa grupo. Si Carlo, ang aking panganay, si Aya, ang kanyang asawa at ang aming kapitbahay na mag-asawang sila Felipe at Luisa. Si Carlo at Aya ay kakakasal lamang. Nasa abroad naman ang ibang mga anak nila Felipe at Luisa, ngunit ang bunsong anak at mga apo nila ay namatay ring lahat. Mga biktima ng salot na kumalat ngayon sa buong bansa.
More hot Pinoy stories at pinoyeroticstories.wordpress.com
Dahil ako lang ang may karanasan sa pakikipaglaban ay ako na rin ang tumatayong pinuno nila. Nakasagupa ko na ang NPA, MILF, Abu Sayyaf at marami pang iba, ngunit wala ang mga iyon kumpara sa aming kinakaharap ngayon. Gagawin ko ang lahat upang manatili kaming buhay, at kung may awa ang Diyos ay makahanap ng tulong.
More hot Pinoy stories at pinoyeroticstories.wordpress.com
Linggo, Sep 10
More hot Pinoy stories at pinoyeroticstories.wordpress.com
Narinig namin silang naglalakad sa labas kanina. Kinailangang patayin ang kandila dahil nadiskubre kong sensitibo sila sa init na nagmumula dito. Nakasusulasok ang kanilang masangsang na amoy. Mahigpit ang hawak ko sa aking machete, at hangga’t maaari ay ayaw kong gamitin ang aking baril dahil bukod sa konti na lang ang natitirang bala nito ay kapag ipinutok ko ay baka marinig pa ng iba sa kanila at magpuntahan lahat sa kinaroroonan namin. Naririnig namin ang kanilang mababang mga ungol at naaaninag sa kadiliman ang mga hugis nila. Hindi kami gumawa ng kahit ano mang tunog. Matapos ang ilang sandali ay umalis na ang mga ito at saka lang kami nakahinga ng maluwag.
More hot Pinoy stories at pinoyeroticstories.wordpress.com
Miyerkules, Sep 13
More hot Pinoy stories at pinoyeroticstories.wordpress.com
Walang nakakaalam kung ano ang pinanggalingan ng pandemya. May mga nagsasabing parusa ito ng Diyos sa mga kasalanan ng mga tao. May mga iba namang nagsasabing nag-eeksperimento ang gobyerno ng isang uri ng armas byolohiko. Ang natatandaan ko ay ilang buwan bago nagsimula ang lahat ay madalas maibalita na maraming nagkakasakit sa China at Hong Kong ng inakala ng marami ay isang mas malubhang klase ng SARS. Ang mga naturang may sakit ay ihinihiwalay sa ibang mga pasyente at mahigpit na binabantayan. Isang araw ay may napabalitang nakapasok sa NAIA na may sakit nito. Agad itong dinala sa ospital at na-confine sa isang isolated na kuwarto.
More hot Pinoy stories at pinoyeroticstories.wordpress.com
Pagkalipas ng ilang oras ay iniulat na nagkakagulo sa may naturang ospital at kinailangang magpadala ng karagdagang puwersa. Hindi nakayanan ng mga pulis at ng mga sundalo ang kaguluhan kaya humingi sila ng dagdag na tulong sa Scout Rangers. Isa ako sa mga pinadala sa naturang lugar.
Continue reading